Friday, June 22, 2007

DAAN

"Napulot ka lang sa putikan!"

"Nanggaling sa kangkungan?"

Natutulog sa pansitan?


Ilan sa mga linya na narinig na natin sa telebisyon at pelikula. Mga linya na binibitawan ng mataas na uri ng tao sa mga taong busabos, hampas-lupa o sige mas mababa lamang sa kanila..
.


Sa ngayon, marami na akong naranasan at nakaharap na unos sa buhay. Maraming sunod-sunod na suliranin na tila minsan inisip ko na kakambal ko na ata ang mga bagay na ito. Pero tuloy pa rin ang buhay, sabi nga ANG BUHAY AY ISANG PAGLALAKBAY. May mga daan na madilim na animo'y madadama o mahuhulog ka na lamang sa banagin, may mga daan na baku-bako na nagdudulot ng kabagalan at kawalan ng pag-asa na matapos ang paglalakbay na iyon. Pero sa bawat daan na ating tinatahak may mga nakakasalubong tayo, may nakakangitian, may nakakalabit, may nakakatunguan, may nakakabeso at may nakakakwentuhan. Sa bawat landas na ating tinatahak iba-iba ang kailangan natin isaalang-alang at dapat maging matalino at maabilidad para makaaraos.

Tapos na ang aking paglalakbay para makamit ang diploma, ang inaasam ng bawat magulang sa kanilang mga anak. Nalakbay ko na ang buhay-kolehiyala, nakakamit ng ilang parangal, posisyon at mga kaibigan. Maraming unos ang bumalandra sa akin pero nanatili akong matatag sa kabila ng lahat.

****
San na ako tutungo? ...

Sa ngayon, maraming bagay ang naglalaro sa aking isipin. maraming desisyon ang kailangan pagaga-agamin. maraming responsibilidad ang kailangan gawin. maraming pangarap ang dapat kong tuparin...

***

Mapupulot ba ako sa putikan? Mangagaling sa kangkungan? Matutulog sa pansitan?

***

May mga bagay ngayon na aking winawari na kailangan pagsisihan o panghinayangan...

Hindi ata tama, o TAMA pero ako ang MALI...

***

Gusto ko ulit maglakbay bilang isang ESTUDYANTE...

Marami pang bagay ang kailangan kong malaman sa isang institusyon. Gusto ko pang umani ng maraming kaalaman...

***
saan?

--- CCA
---- DLSU- St. Benilde
--- ADMU- CCE

***

Nakakasawa na manatili sa bahay pero masaya ako, dito ako sa bahay at nang sa gayon matuto ako ng gawaing-bahay, waring nakalimutan ko na ang mga gawain mula noong ako ay mabuhay-dorm sa loob ng apat na taon..

***

Sa ngayon, isang tawag ang aking hiihintay para MABAGO at MASIMULAN kung Ano ang dapat simulan. Eto ang magsisilbing "Sign" kung saan na ako tutungo...

***




Monday, June 11, 2007

HALF CRAZY!

hindi ko alam kung ano na ang estado ng buhay ko sa mga panahong ito..

nagawa ko na yung isang bagay na gusto kong patunayan sa aking sarili.

pero...

parang GUSTO KO PA...

marahil ito ang pagkakataon ko para makabawi at mas may matunayan pa..

Thursday, June 07, 2007

CALLALILY:DESTINATION BATAAN




sa nakalipas na isang buwan, maraming bagay ang aking tinahak. Maraming tao ang aking nakaharap. Maraming pawis at pagod ang nakunsomo. Malaki ang naging puhunan.

ngunit halos 400 na tao ang nabigyan namin ngiti ng gabing iyon...


MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG SUMUPORTA AT NANINIWALA SA AMIN.

Sunday, April 29, 2007

SAKIT. SAKIT. SAKIT.

SAKIT.

Ang sakit. Karamdaman. Sa dinamidami ng panahon na ako ay tatamaan ng sakit, bakit ngayon pa? bakit ngayong linggo pa na ito? Marami akong nasakripsyo. Ang hindi pagdalo sa "farewell" namin ay isang bagay na aking pinanghihinayangan.

Ano nga ba ang kalagayan ko?

_ mula noong Miyerkules, masakit lagi ang tiyan ko. Lagi akong gutom, as in gutom na gutom na kapag naramdaman ko ito sumasakit ang ulo ko. Kpag ako naman ay kakain, isang subo pa lang nasusuka na ako, at ilang sandali hihilab na ang tiyan ko.

WIRDO BA?

Dahil yan sa kapraningan ko, dahil sa japenese diet pill na ininom ko. Within 2days ata na paginom, patay ka na.. ;(

LETRA NG KATOTOHANAN...

Magkabilaan

ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
may puti may itim liwanag at dilim
may pumapaibabaw at may sumasailalim


ang tubig ay sa apoy ang lupa ay sa langit
ang araw ay sa gabi ang lamig naman ay sa init
kapag nawala ang isa ang isa'y di mababatid
ang malakas at ang mahina'y magkapatid


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


ang hirap ng marami ay sagana ng iilan
ang nagpapakain walang laman ang tiyan
ang nagpapanday ng gusali at lansangan
maputik ang daan tungo sa dampang tahanan


may mga haring walang kapangyarihan
mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan
may mga sundalo na sarili ang kalaban
at may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


may kaliwa't may kanan sa ating lipunan
patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban
pumanig ka pumanig ka huwag nang ipagpaliban pa
ang di makapagpasiya ay maiipit sa gitna


bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t magkabilaan ang mundo


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


-joeyayala-

Sunday, April 22, 2007

NO ONE CAN TELL...

Walang nakakaalam, hindi ko alam...

HAnggang ngayon blanko pa rin ang mga pangarap ko sa buhay.Ilang araw na rin o sige buwan na rin akong nakatengga sa bahay..

Though there are opportunities for me but i refuse because im afraid that i might fall or lose, im not yet prepared. I don't know what is missing, what is wrong... I dont know where to start, how to start and make a start...

There are times I want that, I want this. But uncertain, unpredictable and undecided...

I am afraid that I will give up, yet I know that this is wrong. I SHOULD FACE THE CHALLENGES. THE RISKS and THE CONSEQUENCES...

REAL LIFE... HERE I AM...

NO MORE VACATION. NO MORE EXCUSES. NO MORE ALTERNATIVES...

ALL I NEED RIGHT NOW IS ENOUGH COURAGE AND CLEAR MINDS...

Saturday, April 14, 2007

P - - I - - L - - A

***
Pagpasok natin sa eskwelahan pinapila tayo sa Flas ceremony, pagpasok ng room, pagpapacheck ng assignment kay TEacher, Pagbili ng pagkain sa Canteen, at kung saan-saan pa..

Sa totoong buhay, PIPILA at PIPILA ka pa rin..


Kanina pauwi ako ng probinsya, halos isang oras na nakapila sa bilang na kulang 100 na pasahero ang kasabay ko na nagpapakabuno ng oras doon para sa bus. Sabi nila, traffic daw opapasok ng MAnila sa maghintay na lamang daw kami.

Dumating ang MARIVELES na bus. Nagulat ako at may sinakay sila na mga grupo ng pasahero na hindi kabilang sa pila at nagkagulo ang mga tao, NAgulo ang pila at naiwan ang mga nasa unahan.

SA SOBRANG INIS KO...
Ako ang naging tagapagsalita ng mga naagrabiyado.

AKO: sa manong guard: "Bakit ganun, kami pa ngayon ang naiwan?"

GUARD: "Kasi kanina pa sila doon, pinaupo namin sila dahil Madalang ang AMrivels na bus"

AKO: "Ah ganun. Paano nangyari na, yung mga nsa likod namin ay mas nauna pa"

GUARD: "baka taga-mariveles din sila"

AKO: "Kuya pababain mo lahat iyan at tanungin mo kung taga-saan sila"

GUARD: "Mahirap yun miss."

AKO: "Sa susunod kasi, ayusin ninyo yung pila. Sa loob ng apat na taom ko ng pagsakay sa genesis, ngayon lang ako nasinigtan nang dahil sayo." "pare-pareho lang kami na gusto makauwi"

Guard: "maghintay na lang po kayo"

AKO: "at paghihintayin mo pa ulit ako?! Tawagin mo ang manager"

Guard 2: "Miss pasensya na kayo, nagkagulo lang talaga"

AKO: "Sa susunod ayusin niyo, trabaho niyo yan e"

***

I know medyo rude pero ang punto ko sa mga panahon na iyon, UNFAIR para sa mga nauna ang pagsingit ng mga huling dumating.

Delikadesa rin para sa mga sumingit. Parang mga ULOL na nagmadali nung nakakita ng bus kaya nga may PILA e...

***


KAYA NGA MAY PILA PARA MAY KAAYUSAN, WALANG GULO AT PATAS ANG LABANAN

***
SIGURO NAMAN MGA NAKAPAG-ARAL YUNG MGA SUMINGIT NA IYON, AT SANA NAREALIZE NILA KUNG GAANO KAHIRAP PUMILA NANG MAS MATAGAL SA INIT NG ARAW...

***

BIGAYAN LANG NAMAN YAN E. AT PAGRESPETO SA IBANG TAO...

Monday, April 09, 2007

SELF TALK

Ang hirap kasing isiwalat ang aking nararamdaman sa ibang tao. Hindi ko alam paano sisimulan at hindi ko alam kung paano ipapahayag ang aking nararamdaman, ang iba't ibang elemento na tumatakbo sa utak ko sa mga sandaling ito.

Puro katanungan. Puro nakabitin ang mga ideya. Puro nakakalat ang aking diwa sa iba'ibang bagay.

***

Bakit ganoon eto ba yung FATE ko?

Iyong masaktan nang walang humpay? May nagsumpa kaya sa akin? O hindi ko lang alam na kinarma pala ako sa mga nagawa ko dati?

Ang alam ko,OO may masama akong ugali. Kung sa isang relasyon o sa aking mga naging karelasyon - isa ang mapapatunayan ko. HINDI AKO NANLOKO.
* pero bakit ganun? parang nakatadhana ata sa buhay ko na MALOKO. Marahil, eto nga ang sinasabi ng matatanda, dalawa lang ang tao sa mundo, Ang mga manloloko at nagpapaloko.. Hindi ko alam pero bakit ganun, lahat ng dumadating sa akin ay walang pagkakaiba - puro kalinlangan at kasinungalingan ang iniiwan sa akin...
* Hindi naman sa ako ay nagamamadali pero bakit sa tuwing uungos ako sa pagkabagsak, mayroon dadating. Pinaasa ako sa kanilang mga salita at palagiang presesnsya pero sa huli pare-pareho rin sila, iiwanan nila ako nang nasa kalagitnaan ng pag-asa..

Ano bang mali sa akin?
* MAhina ako. Mahina ako sa pag-ibig. Mabilis tumibok ang aking puso, at kay hirap naman maibsan ang sakit nito. Madali akong magmahal, hindi naman dapat ipagdamot ito kung nararamdaman mo. Hindi naman mahirap magmahal, at hirap pigilan ang tibok ng puso..
* Matapang ako. Gusto ko nang bago. Gusto ko ng excitement. Gusto ko ng adventure. Kasi di ba dito ka makakakuha ng mga aral sa buhay? Matapang ako na ipaglaban ang aking nararamdaman.
* Madali akong umasa. Hindi mahirap para sa akin na mgatiwala sa isang tao. Dahil ang gusto ko rin magtiwala siya sa akin. Totoo ako sa mga taong nakikilala ko. Mahirap ang magkubli sa hindi mo katauhan. Maraming mga kumplekasyon at hindi maganda para sa siang simula..
* Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hindi sa hayok ako sa lalaki, pero OO. masaya ang maging single wala kang problema, wala kang limitasyon at kung ano pa man. PEro bago ka pumikit sa gabi, mararamdaman mo na may kulang. Walang tao na alam mo na kahit anong oras andiyan siya at may nag-iisip at nag-aalala sa iyo.
* Madali akong magpatawad pero mahirap akong magLet go. Alam ko ito ang pinakamali sa akin. Hindi na ako galit sa tao pero nanatiling nakakulong ang aking sarili sa pangyayari. Isa kasi akong sentimental na tao. Lahat ng bagay may katumbas na alala. MAhirap makalimot, hindi madaling iwaksi ang alala ng mga nakaraan.

***
Marami na akong naranasan. Madami na akong nakilala. May ilan na akong minahal. May ilan na rin ang nagpaluha sa akin.

Ilan pa? At kailan na naman ako luluha at masasaktaN?

OO. NApagod akong umiyak noong una at ngayon eto na naman ako...

Natatakot ako na maging manhid na ako. NAtatakot na akong may dumating sa buhay ko.

pero

Sige lang tuloy ang buhay...

Dapat ko bang isipin na MASARAP MASAKTAN?...

Siguro. Ika nga, It can make me a better and stronger person.

Dapat ba? Kailangan ko ba?

entre tanto.

Inakala ko na sasaya na muli ako sa piling ng isang lalaki kaakibat ang tinatawag na "pag-ibig"...

Matagal rin umagos ang luha sa aking mga mata. Madaming gabi akong iniraos nang puno ng sakit at poot. Maraming araw ang aking naging kapiling ay ang mga bote ng alak na sa aking pananaw makakatulong para makalimot kahit alam kong panandalian lamang. Matagal dumugo ang aking puso sa sakit na dulo ng pag-ibig...

Madami akong ginawa para mapulot ko ang aking sarili para mabuo ulit ito para maging handa ako sa aking bagong haharapin na pagsubok...

NGUNIT... BAKIT? PAANO?

Sa kabila nang lahat ng ito, sinubukan ko ulit magmahal. Binigyan ako ng pagkakataon na makillaa ang isang lalaki na inakala ko "tunay" ang kanyang hangarin. Naniwala ako sa kulay ng kanyang salita. Nadala ako sa kanyang malambot na kamay at init ng kanyang pagyakap...

PERO...

iyon pala ay PANANDALIAN LAMANG...

MEANTIME ika nga...

Hinayaan niya akong mahulog sa kanya ngunit tumakas siya para saluhin ako... Pinahulog ako ng wala man lang senyales na hindi niya ako iingatan...

May mga bagay akong nalaman, na noong una pa lamang ay wari kong ganun nga siya. PEro hindi ko ininda yun, EXCITED ako e.. Namiss ko ang pagiging Girlfriend. Namiss ko na maging sweet. Namiss ko na maging atensyon ng isang lalaki...

Sa isang saglit, sa isang pitik... NAWALA SIYA NA PARANG BULA...

Sa isang mensahe na may laman na... "Thanks rea"... Doon nagtapos ang lahat...

****
ito na naman ako...

***

Nabuo nang panandalian pero wasak na naman at hindi ko alam kung hanggang kailan...

***

May sumpa na ba ako?

Karma ba ito?

Malas ba ako?

Bulag ba ako?

Manhid?

o

Tanga?

***

BATAAN DAY: ARAW NG KAGITINGAN

"ISINUKO NA ANG BATAAN"

http://en.wikipedia.org/wiki/Bataan_Death_March

***
Isa sa araw na mahalaga ito para sa akin. Una, mahal ko talaga pag-aralan ang kasaysayan. Ikalawa, proud Bataeno ako. At higit sa lahat Pilipino ako.

Ito ang isa sa mga araw na dapat natin sariwain. Hindi naman kailangan na magarbong pagdiriwang ang kailangan. Para sa akin, ang higit na mas kailangan sa araw na ito ay mag-alay ng panalagin sa mga Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa Ikalawang Digmaang Daigdig partikular ang mga "unsung heroes". Mag-alay tayo ng panalangin na para pasalamatan ang mga matatapang nating mga sundalong Pilipino na hanggang ngayon ay buhay, ang mga beterano, na sila ang ating nagsisilbing larawan ng paglaya sa laban sa malulupit na Hapones.

Sa tuwing nasasagi sa aking isipan ang BATAAN DAY. Nariyan ang Comfort women or gays na karamihan ay pumanaw na ngunit hanggang sa huling sandali ramdam nila ang kahayupan sa kamay ng mga HApones.

***
Makalipas ang 65th, ang bansang Hapon ay nagbibigay ng mga benepisyo at ilang tulong sa ating bansa dahil sa pinsalang kanilang nagawa noong 1042-1945... OO, aminin natin na ito ay tulong ilan diyan ang pagpapaggawa ng mag mga gusali partikular sa mga paaralan - ang JAICA, at [agbibigay ng tulong sa beterano at sampu ng kanilang pamilya. Ngunit, kahit na ano pa man, hindi ito matutumbasan ng anong materyal na bagay. Ngunit, tanggapin na rin natin, ito ay nakaraan na. Nawa'y sa pagbigay ng mga magagandang relasyon ng Hapon sa atin huwag sanang matabunan ang ating diwa sa ARAW NG KAGITINGAN..

***

HAIL TO OUR UNSUNG HEROES...

***

ARAW NG KAGITINGAN ay ARAW NG BATAAN..

***

EASTER SUNDAY

Sa wika natin, "Pasko ng PAgkabuhay", pasko dahil nagkaroon ulit ng buhay si HEsus. Ang "salubong" at "egg hunting" ang ilang sa karaniwang ginagawa sa pagsapit ng araw na ito, hindi man ito nagmula sa atin at ito ay ipluwensiya ng banyaga naging parte na rin ito ng ating paniniwala..

***
April 8, 2007...

***

Ano-ano ang mga nagkaroon ng buhay?

Sa mga tv addicts, specifically the avid fans of telenovelas,anime and the likes, IYAN binabalik na sa inyo ang mga programang inyong sinusubaybayan.. :)

Sa mga may trabaho, (buti at may april9 holiday) balik na kayo sa work sa tuesday, but it was indeed a long vacation. Hope you had a vacation galore with your loved ones..

Sa mga businessmen, napahinga na rin kayo at simula na ulit kayo sa pagkayod...

At higit sa laaht sa mga pulitiko, SIMULA NA NANG BAGO AT MAS MALUPIT NA MGA RAKET SA PANGANGAMPANYA...
*** OH well, as if hindi kayo natigil. MAlamang hindi kayo magsasayang nang ilang saglit para hindi makakuha ng inyong parokyano..
*** Nakita kayo sa simbahan, at sa pinakaharap pa, para mapansin kayo ng mga tao. Malamang ang iba matutuwa iyong mga taong kasing dalang niyo rin magsimba, kaya kayo nagkita-kita sa mga sanadaling iyon..
*** Sa prusisyon na para kayong artista na nagmomodelo ng toothpaste sa tamis ng inyong mga ngiti sa mga tao.
*** Ang pagbanggit ng inyong buong pamilya sa mass offering na akala mo ay roll call ng inyong angkan - sa pagkamatay, sa kaluluwa, sa biyaya at pagpapasalamat sinakop niyo.

Malapit na ang eleksyon, sana sa ating pagninilay sa nakaraang araw naging malinaw sa atin kung ano ang tunay na diwa ng sangkatauhan. Sa bawat isa sa atin, may responsibilidad na itaguyod ang bawat isa, isa tayong pamilya na nilikha ng Diyos, na sinalba ni Kristo.

Sa ating pagboto, maipapadama natin sa bawat isa ang kahalagahan ng ating buhay. Ang matalino at matapat na pagsulat ng mga pulitikong sa ating pananaw ay magbibigay buhay sa mga aral at bilin ng MAykapal para sa ating lahat..

Tuesday, February 20, 2007

Friday, February 02, 2007

why women cry?

A little boy asked his mother, "Why are you crying?"

"Because I'm a woman," she told him.

"I don't understand," he said. His Mom just hugged him and said,

"And you never will."

Later the little boy asked his father, "Why does mother seem to cry for no reason?"

" All women cry for no reason," was all his dad could say.

The little boy grew up and became a man, still wondering why women cry.

Finally he put in a call to God. When God got on the phone, he asked,
"God, why do women cry so easily?"


God said:

" When I made the woman she had to be special.
I made her shoulders strong enough to carry the weight of the world,
yet gentle enough to give comfort.

I gave her an inner strength to endure childbirth
and the rejection that many times comes from her children.

I gave her a hardness that allows her to keep going
when everyone else gives up, and take care of her family
through sickness and fatigue without complaining.

I gave her the sensitivity to love her children
under any and all circumstances,
even when her child has hurt her very badly.

I gave her strength to carry her husband through his faults
and fashioned her from his rib to protect his heart.

I gave her wisdom to know that a good husband
never hurts his wife, but sometimes tests her strengths
and her resolve to stand beside him unfalteringly.

And finally, I gave her a tear to shed. This is hers exclusively to use whenever it is needed."


"You see my son," said God, "the beauty of a woman
is not in the clothes she wears, the figure that she carries,
or the way she combs her hair.


The beauty of a woman must be seen in her eyes,
because that is the doorway to her heart
- the place where love resides.

Thursday, February 01, 2007

hindi ko alam pero nakakatawa.

hindi ko alam pero napakaliit ng mundo dahil ang babae ng aking EX ay taga-probinsya ko rin.

kaibigan ng kaibigan ko. oh di ba ang saya? pero oh well.. still mas angat pa rin ako sa babae niya, i shouldn't be insecured. though i know they are happy now, still im HIS EVER FIRSTS...

life must go on. people come and go.. sabi nga nila you;ll see a better life if you have moved on...


Life may be unfair at the very beginning.
i cry...i suffer...i sacrifice..i loved...i stumbled...

But at the end of those darkest moments of life.
i laugh...i cherish...i'love...i pick myself up...

I am happy now... maybe at this moment, i know somehow, someday, i will never cry over him..
i will soon forget even those memories, but for now let me linger on those thoughts..

live... laugh... love...

Life is beautiful...

It is better to know your weaknessess so that you'll know your strengths...



***********
i am alone... i achieve a lot of things in my life...
i am alone...loving myself..
i am alone... to be complete...
i am alone to be loved again...

Wednesday, January 31, 2007

more and more..


now that i'm alone, alone in the sense, that i know i do not have someone i can treat mine.. i'm alone because i don't have any source of problems aside from myself. i'm alone that i know i can do it own my own-not expecting somebody to help me all throughout. im alone that i know i can treat myself to all the things that i want to do, all the words that i can say. im alone wherein i can explore the world around me without any guilt or conscience because im attached , im free. im alone because i can now stand on my own, that i thought i cant.

im alone and happy. im not committed and hurt.
im alone and blessed.
im alone and loved.

no commitments. no hassles. more fun. more challenges. more experiences. more lovers. more boys. more time. more dates. more food. more calories. more fat. :)

Wednesday, January 24, 2007

mabuti nang walang

mabuti nang walang tulog kaysa walang gising...

-physically yan ang gusto ko kasi almost 30hours na akong gising. dahil binubno ko ang sarili kong thesis. naging kampante kasi ako sa simula kaya eto nangangarag ako ng todo pero challenging isnt it? 3day thesis oh yeah...

-okay na walang tulog basta productive at masaya ka sa mga pinagpupuyatan mo. masarap a mo ang pakiramdam na nakikita mo yung bunga ng pinaghihirapan mo. masaya rin ang mga panahon na nagpupuyat ka kasa ng mga kaibigan mo na "wala lang" tambang tambay, tamang yosi, tamang kwentuhan,sapat na yun.. yung tipong magheHELLO si tita sunshine.. :)


mabuti nang walang gising-

- oo.. yan ang naiisip ko mabuti pa na hindi na lang ako magising. madaming araw at sunod sunod na gigising ako na tutulo na lamang yung luha ko. yung parang magugulat ka na lang na "Ah. totoo pala. akalain mo kala ko masamang panginip lang"

-siguro gusto ko lang tumakas sa sakit. ang tagal na ng pagdurusa ko, na minsan inakala ko tapos at nalagpasan ko na pero bakit ganun paulit-ulit..



KANINA:
-naranasan ko na naman yung umiyak ng walang humpay.

eksena: sa dapitan,habang tumatawid nangigilid na luha ko,pero mukha naman akong ulol kung iiayak akong naglalakad sa campus sa itsura kong sabog na wala pang tulog at bitbit ang bag na malaki na mabigat dahil sa laptop at mga libro.

dapat magpupunta ako sa thesis adviser ko pero di ko na kaya madilim na paligid ko at sasabog na puso ko. punta ako sa org ko, buti nandun sila. hindi ko na napigilan, hindi ko na kaya. sobrang sumisigaw na puso ko.. uimyak ng walang humpay. hanggang sa namaga ang mga mata.

paguwe ko yosi yosi at yosi. paghiga ko sa kama, tumulo na naman siya. walang humpay halos hindi ko na mabasa yung mga text messages dahil puno ng luha mga mata ko. hindi ko na malaman kung bakit ako umiiyak..

may sandali na pinigil na umiyak wlang emosyon kung hindi ay ang patuloy na pag-agos ng luha hanggang sa ako ay napikit at nakapagpahinga..


naulit lang..

pagkagising ko, iyak na naman.. habang naglalakad para kumain kahit hindi ako gutom dahil kailangan lang, habang sumusubo ako ng pagkain, iyak na naman..

iyak na lang nang iyak...

wala na akong maramdaman kung hindi hapdi na lang ng aking mga mata..

Thursday, January 18, 2007

when the last tear drops fall

WHEN THE LAST

It's so hard to lose the one you love
To finally have to say goodbye
You try to be strong but the pain keeps holdin' on
And all that you can do is cry
Deep within your heart you know it's time to move on
When the fairy tale that you once knew is gone

When the last tear drop falls
I'll still be holdin' on to all of our memories
And all of what used to be

When the last tear drop falls
I will stand tall
And know that you're here with me in my heart
When the last tear drop falls

So now I'm alone and life keeps movin' on
But my destination still unknown, oh yeah
Will there be a time when I'll fall in love again?
When I was meant to walk these streets alone
If there was just one wish I could be granted here tonight
It would be to have you right back by my sid

Wednesday, January 17, 2007

quo vadis?

saan papatungo?

nasa situwasyon ako ng pagmumuni muni sa aking buhay, ilang linggo na lang (at sana,god's will) makukuha ko na ang aking diploma sa kolehiya, apat na taon akong naghanda para gawin ko siyang sandata sa aking kinabukasan, pero sa papaanong paraan?

madami akong plano sa buhay pero hindi ko alam kung paano sila makakamit..

hindi ko pa alam kung ano ang aking susunod na hakbang sa aking buhay, marami akong naiisip pero marami rin ang mga dapat isaalang-alang...

hay... ano nga ba?

pero sa ngayon, gusto ko munang buuin ang sarili ko... ilagay sa tama ang nawasak, at hilumin ang mga sugat..

KATATAGAN NG LOOB AT PAGTITIWALA NA BUKAS AKIN DIN ANG HULING HALAKHAK..

Friday, January 12, 2007

masukista..

habang tintype ko ang akda na ito, tumutulo luha ko. nagdudugo puso ko. sumasakit ulo ko.

bakit ganun kung kelan ako naging malakas ,kung kailan ko nabuo sarili ko, bakit nakayanan ko na yung sakit nang nakaraan?

BAKIT NAULIT NA,MAS MASAKIT PA..

hindi ko naman na kailangan marinig yung mga salita na yun e, alam ko na yun hindi ko na kailangan pang marinig...

siguro nga oo CLOSURE... hay nakayanan ko na toh, nasa ikatlong buwan na ako ng paghilom ng sugat.. alam ko makakayanan ko ito..


alam ko na mas masaya ang naghihintay para sa akin..


inaamin ko nagpaMASUKISTA ako, masarap naman e. at alam ko na mas nakakuha ako ng aral...


MASAKIT PA RIN HANGGANG NGAYON, pero darating ang araw liliwanag na muli ang mundo ko..

masakit masakit masakit...

Sunday, January 07, 2007

... ??? ...

ang bigat ng loob ko ngayon?

hindi ko mapaliwanag...

pero parang ang lungkot.. :(

hindi ko alam kung bakit...

hindi ko masimulan ag dapat kong gawin...

ano na naman ba ito? o ano na ito?


tapos nakareceive pa ako ng ganito mensahe :
love changed me; the way i think. the way i act. the way i decide.
sometimes, i even go against my principles and beliefs in life..
loving doesnt mean i will be happy always...
sometimes, all it provides me is pain and misery..
Yet, i was blinded by strong emotions that i failed to see reality;
sometimes letting go is the answer...
it hurts like hell, but i will soon realize that its better to suffer the pain
and see the person i love to be happy...

then background music:
WALK AWAY...

I saw you with your new girl just yesterday
and I feel that I must confess
even though it kills me to have to say
ill admit that I was impressed
is it calling just showed up affection
gotta commend you on your selection
though I know I shouldnt be concerned
in the back of my mind I cant help but question

does she rub your feet (when you've had a long day)
scratch your scalp (when you take out your braids)
does she know that you (like to play ps2 till 6 in the morning like I do)

[chorus]
I cant explain this feeling
I think about it everyday
and even though we've moved on
it gets so hard to walk away
(I'm gonna remember you, you gonna remember me)
walk away, walk away
(I'm gonna remember you, you gonna remember me)
walk away
(i cant forget it how we use to be)

[verse 2]
I guess I gotta live my life from day to day
hoping maybe you'll come back
and though I tell myself not to be afraid
to move on but it seems I cant
no other man has given me attention
it aint the same as your affection
[ these lyrics found on http://www.completealbumlyrics.com ]
though I know I should be content
in the back of my mind I cant help but question

does he kiss me on the forehead (before we play)
show on my doorstep (with a bouquet)
does he call me in the middle of the day (just to say)
baby I love you (like you used too)


STATUS NG BUHAY :)

*** Only you know what you need to be happy, but before you can be happy with someone else, you need to be happy with yourself. Singlehood seems like an unalterable state - an eternal condition destined to bring unfulfillment. But, it doesn't have to be that way.

***Singlehood is a time to grow, try new things and explore what life has to offer. Now's the perfect time to follow the Yellow Brick Road in pursuit of your dreams. It's a lot more gratifying than pounding the pavement incessantly in search of the perfect relationship.

***Singlehood is the time to develop the craving, the absolute burning desire to give. This is where the pain of being single comes from. Developing an awareness of this need to give, and not having the fullest opportunity to express it.

***Woman are given more of a mandate than men to be partners with someone. Being a good female in this society means you're connected -- be it with girlfriends, boyfriends, family, etc. Men are encouraged not to be dependent, and sometimes it isn't until a career is established that they become more aware of their need to be connected."

***63 % slut
Your above score was normalized against the average, so don't even TRY to disagree with us. Science is certain, and so are we: you are absolutely 63% Slutty.


***Exotic bad-ass,turns me on..
You scored 70% masculine, 58% athletic, 63% exotic, and 31% refined! You want everything in a man at the same time! Masculine, built like a Greek god, exotic and mysterious and even some bad-ass in there too. I think you would really like Freddy Ljungberg, the Swedish soccer player. He's the guy on the right. But let's face it, the whole point of this was to look at a bunch of hot guys.

***i'll find my next boyfriend within three weeks
ou're out enough to meet plenty of guys
And it shows, because a few are interested in you
Even if you haven't meet the right guy yet
He's standing just around the corner

***i am 61% Bitchy
While you may not think of yourself as the ice queen, admit it, you're often in a bad mood.
And it's those around you who often bear the brunt of your annoyance, even if they haven't done anything wrong!

***
I May Drink Too Much
You have a little drinking problem on your hands - and you definitely should scale back.
And if scaling back doesn't seem possible, you may need some professional help!

***
Guys Think I am Easy to Be With... But Not Easy
And you're crafty enough to get away with it!
But you probably wouldn't cheat...
(Unless the relationship was pretty much over)

***
I Don't Need a Man, but I Want One!
You like having a guy in your life, and overall, you prefer not to be single.
You won't go out with a guy out of desperation.. you rather be alone.
However, when you're single, you do tend to obsess a little over dating.
Because no matter how good your single life is, it's better with a great guy around.

***

isang mainit na pagsalubong sa 2007!

halos buong buwan ng disyembre ako hindi nakapagsulat. marahil sa panahong iyon, patuloy kong nililimot ang nakaraan. naging abala ako sa ibang bagay na alam kong hindi makakapagpaalala sa kanya.

naging masaya ang aking Disyembre, kahit na alam ko sa likod ng aking isip at sinigaw ng puso ko ay ang mga magagandang alala noong nakaraang dalawang taon.

life must go on. and it offers me a brighter one.. :)

paalam at salamat 2006, talagang naging makulat ang makulay ang panahon na iyan para sa akin..

iyak.. luha.. tawa.. pighati.. at saya...

at lahat ng iyan ay bahagi kung ano ako ngayon.. salamat sa aral at karanasan...

***************************************************************

2007...


alam ko at gusto ko maraming bago sa taong ito dahil bagong taon, bagong karanasan, bagong aral at mas pinabuting katauhan ang aking hangad...

* sa pagpasok ng taong ito, marami na agad ang bumungad... una na riyan ay ang nalalapit na pagtatapos ko sa kolehiyo, nakakatakot, nakakababa, nakakapagod, nakakapressure, at siympre nakakachallenge... katulad sa oras na ito, halos 4 na oras na akong nasa harap ng laptop, kung anu-ano ang ginagwa imbis na mag-aral at gawin ang aking thesis. pero naisip ko naman na maghapon ko ng inalayan ng oras yun, gusto ko naman magpahinga....

* nakakadama na rin ako ng takot para sa aking haharapin pagkatapos ko sa aking pag-aaral.
marami akong naiisip pero ni isa wala akong kunkretong pagpapasya..pero pangunahin sa lahat, gusto ko ulit mag-aral, marahil MA..pero wala pa ring partikular... mahirap pero may panahon para diyan...

sa ngayon, iyan pa lang muna...

cheers sa 2007..



Monday, November 27, 2006

salamat at paalam..


ngayong araw na ito pinilit kong gawing abala ang aking sarili, buong araw kong ginawa ang mga bagay na dapat tapusin at kailangan gawin para maiwasan ang pangangarag. buong araw akong hindi humawak ng cellphone at buong araw akong nagmuni-muni...

mahirap at ngaing masakit sa akin ang naging kwento ng buhay ng puso ko, naiwan akong mag-isang nangangarap at umaasa... hindi ko naman kasi ininda yung mga naging pagtatalo naman, umasa ako na maayos ang lahat... magiging maganda ang takbo ng agos pero hindi. nagulat na lang ako na iba naman ang dahilan, iba ang naging ugat ng aming pagtatapos...

ito ay ang commitment...

siguro nga yan ang isa sa pinakamahirap gawin sa mundong ito, ang magcommit sa isang tao..

hindi ko alam, gulo pa rin ang utak ko, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon na ito.. pero ganun talaga ang buhay, ang pagbabago lamang ang nag-iisang permanente sa mundo...

parte ng buhay ang maging malungkot, alam ko darating ang araw na liligaya ulit ako sa aspeto ng buhay ko na ito... :)

sa ngayon, maligaya ako sa piling ko- sa sarili ko... tintulungan ko ang sarili ko na maging buo ulit. buuin ang puso kong nabasag, at hilumin ang mga sugat nito.. alam ko hindi ito madali, hindi lamang isang buwan ang kailangan, pero kaya ko at dapat harapin ko ito nang buong tapang at buong pagmamahal sa aking sarili.. ako naman muna ang iisipin ko...

sa taong minahal ko na iyon, maraming salamat sa iyo, sa lahat-lahat ng ginawa mo para sa akin. hindi ko na kayang isa-isahin iyon, pero hayaan mo ni isa wala akong nakalimutan dun at lahat ng iyon ay magiging parte ng isang nakaraan, isang libro na natapos na at kailangan ng ilagay sa aparador, hanggang sa alikabukin at malimutan ng aking alaala...maraming salamat sa iyo.. :D alam ko masaya ka na, masaya kang nag-iisa o may mahal ng iba, hindi ko alam pero hayaan mo magiging masaya na rin ako para sa iyo sa mga dadaanan na panahon, hindi ngayon kasi sariwa pa ang sugat.. SALAMAT at PAALAM.. :D

Sunday, November 26, 2006

agos ng buhay


sa ngayon, gusto ko nang simulan ang totoong agos ng buhay.. kasi inaamin ko, mahirap pa rin sa akin tanggapin ang mga bagay na nangyari sa buhay ko. medyo traumatic and napakasakit talaga. kahit na sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko, pero nagugulat na lang ako na pagkamulat ko sa umaga, tumutulo ang mga luho na hindi ko naman inaasahan.. mga gabing bago ako matulog, inaasam ko na sana pagkagising ko iba na ang takbo ng buhay.. pero hindi e, eto na talaga..

alam ko na puno't dulo ng aming naging problema, rerespituhin ko yun at unti-unting tatanggapin at mabubuhay uli sa totoong agos ng buhay.. :D

hindi pa naman tapos ang mundo, at marami pang mga nilikha ng Diyos na tunay na magmamahal at handa akong ipaglaban...

Friday, November 24, 2006

Yabang Pinoy!




TAAS NOO.. IKAW AY PILIPINO...

nabuhay ang nasyonalismo sa aking sistema sa mga minuto na ito..

naalala ko tuloy kwentuhan namin ng aking mga kaklase kanina tungkol sa isang taong aming hinahangaan.. ito ay pawang wala pang patunay pero nakakalungkot isipin kung maissakatuparan niya ang kanyang mga plano sa buhay...

isa siyang tao na nag-aaral ngayon sa isang bansa, nagkamit ng iba't-ibang parangal noong siya ay nasa kolehiyo, gawad sa unibersidad man ito o sa bansa.. nagturo ng ilang tao sa unibersidad, at nagkaroon ng pagkakataon na makapg-aral sa ibang bansa... nakasama namin siya ng ilang buwan dahil kami ay tumulong sa kanyang alagang-komunidad, doon niya kinuwento ang ganda ng buhay at pakikisalamuha sa iba't-ibang tao dito sa sariling bansa. hinangaan namin siya dahil akala namin pagkatapos nang kanyang pag-aaral sa ibang bansa, ay dito siya mananatili at ibabahagi ang kanyang natutunan sa kanyang kapwe=pilipino.. ngunit naiba ang ihip ng hangin. ngayon, siya ay nagbabalak na manatili sa bansang iyon dahil sa mga binigay sa kanya ng banyagang institusyon...

nakakalungkot isipin kasi, isa siya sa aming ginagawang huwaran sa larangan ng aming kurso. akala namin isa siya sa magiging alagad ng akademiya na siyang magiging simula ng mga pag-aaral upang maangat ang buhay ng ating sariling bansa...

pero ganun talaga ang buhay, maaring sinasaalang-alang niya ang kanyang materyal na pangangailang ang pangunahing kailangan ng kanyang pamilya..

Wednesday, November 22, 2006

SapiN-SaPiN

naiinis ako kasi sa tuwing ako ay nag-iisa ang daming mga ideya ang naglalaro sa aking isipan. yung tipong sana sa pinakasigundo na yun, hawak ko na laptop ko...

nakakapagod ang aking mga nakaraang araw, lakad dito, lakad doon. usap dito, usap doon. pirma dito,pirma doon.. pero sa bawat sandali na yun isang malaki at mataimtim na panalangin ang kalakip ng mga kilos namin na iyon. Isang bugkos na pag-asa ang aming inuukol sa bawat minutong kami ay binibigyan ng pagkakataon..

dahil sa araw na ito nakataya ang aming kinabukasan, nakataya ang araw na iaabot namin ang diploma sa aming mga magulang, ang araw na inaasam ng lahat ng magulang pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo, ang araw na lahat ng estudyante ay puro ngiti at pasasalamat dahil natapos nila at nakuha ang kanilang magiging sandata sa susunod na hamon ng buhay. ang araw na halo ang mga emosyon ng tuwa, lungkot at pananabik sa mga susunod na araw.. at sa araw na ito, nawa'y patnubayan lahat ng mga estudyante na lahat ay makasabay sa agos ng buhay.. ang araw na ito ay ang PAGTATAPOS...

naranasan kong maramdaman ang sakit ng hindi mapabilang sa isang PAGTATAPOS. naranasan kong iyakan ang senaryo na makikita ko ang aking mga kamag-aral na habang sila sy abala sa paghahanda para sa natatanging araw na ito, ako wala lang nakatunganga sa isang tabi, at puno ng kainggitan at sakit... :( inakala ko hindi ko makakasama ang mga kamag-aral ko sa gabing iyon at higit sa lahat ang abutan ng diploma ang aking mga magulang...

mabuti at may awa ng diyos, dininig niya ang aming panalagin... alam ko naging isang pagsubok lang iyon, na tanging dasal lang ang aming naging sandalan.. ang dasal ang aming pinaghugutan ng lakas... hay... salamat sa diyos, alam ko sinubukan niya lang ako, at oo, lam ko nakalimutan ko siya sa ilang sandali ng buhay ko, ilang linggo na akong hindi nagsisimba at hindi nagpapasalamat sa kanya... pero patuloy pa rin ang aking panalangin dahil hindi pa tapos ang lahat... marami pang pagsubok, 4 na buwan pa para paglaanan ng panahon ang mga bagay-bagay, ang thesis ay isa doon at ngayon kaming lahat ay hindi magkandaugaga sa mga pag-aaral namin, pero may awa ng diyos.. :)


sa kanilang banda, masaya ako ngayon... mas masaya na ako ngayon... :)
ang aking nakaraan ay isa na lamang nakaraan. tapos na ang lahat at ako ngayon ay patuloy na sinisumulan ang buhay na wala ang kinagisnan kong kasama sa tuwina... hay, ngayon ko pinaptunayan sa sarili ko na kaya ko naman pala ang lahat, kasi inaamin ko natatakot akong mag-isa noong una, natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang problema na aking kakaharapin. hindi pala,kaya ko naman pala.. :) nabuhay nga ako ng 18 taon na wala siya at ngayon eto na simula at patuloy na ang bagong pahina ng aking aklat, ang aklat na mag-isa kong iaakda.


MASAYA ANG BUHAY... damhin, lasapin ang sarap na dulot nito..

Tuesday, November 21, 2006

ANGHEL...



nasaan kaya guardian angel ko sa mga panahong ito, sa mismong minuto na ito?

nasa likod, harap, o katabi ko ba siya, sa kaliwa o sa kanan? antok na ba siya o sinasabyan niya kaadikan ko sa internet? pareho kaya kami ng nararamdaman sa oras na ito? ready kaya siya sa mangyayari sa aken bukas? at eto pa ang malaking katanungan, are you good or bad?

hindi ko alam kung isa ba itong pagsubok, kamalasan o karma... alam ko naman sa sarili ko na weak akong tao, masyadong maemosyonal, at mahina talaga ang tolerance ng aking pagintindi sa mga bagay-bagay. bakit ganito, hindi ko na kaya e..

sana man lang hindi ganitong sunod-sunod, sana medyo may distansya sa mga hinaharap ko, kasi unti na lang bibigay na ako. unti tulak pa tutumba na ako. unti sundot pa, mabubutas na ako. unti sakit pa,magiging manhid na ako..

bakit ganun, unti-unti na akong nagiging malakas mula sa isang "failure" ngayon, iba naman... nagsisimula pa lang akong bumagon sa sakit na dulot ng isang nakaraan, may sugat pa ako. nasasaktan pa rin ako paminsan, pero hindi na ako umaasa - yan ang isang kasiguraduhan sa puso ko ngayon. hindi ko maikumpara ang pagiging isang single sa isang may boyfriend, kasi magkaiba naman sila at magkaiba ng emosyon,pagpapahalaga at paniniwala. pero ang alam ko ngayon, gusto kong mahalin ang sarili ko. gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa puso ko, gusto kong ako ang magbibigay ng panahon para sa sarili ko, ako ang magpapaligaya sa sarili ko, at gusto kong makilala nang mabuti ang sarili ko.. alam ko, at hindi naman ako nanghihinayang sa aking nakaraan, naging masaya ako, parte naman talaga noon ang lahat ng sakit at luha, kasi kung wala yun hindi ako magiging matatag, at hindi ako iyon kakapulutan ng aral sa buhay. ang akin lang, sana una pa lang, umalis na ako. para hindi naging mas masakit, tama nga habang pinapatagal mas nagiging masakit. yan talaga ang buhay, yun na ay ang nakaraan... CLOSED

hay...ngayon sa acads naman, ayoko ng ibroadcast kasi ayoko rin na alalahanin.. :( nakakadown, nakakawalang gana, nakakawalan ng pag-asa, nakakasama ng loob, at nakakahiya sa magulang ko, esp sa nanay ko.hindi ko alam kung ano yung gusto at plano ni GOD para sa akin. sabi nga ng nanay ko, "pray lang".. wala na naman akong magagawa, ayoko naman ng umiyak, kasi papanget lang ako. pero yun ang nagiging paraan para gumaan pakiramdam ko.. nakakapanghina..

kung panaginip toh, gusto ko ng magising...

Sunday, November 19, 2006

simula ng katapusan :)

mahal ko na sarili ko :D

pagod na akong masaktan...
sawa na akong umiyak...
manhid na puso...


gusto kong
mahalin ang sarili ko...
alagaan ang puso ko...
buuin ang pagkatao ko...

Friday, November 17, 2006

this how i do it...


mahirap na masarap ang maging estudyante... :D

Thursday, November 16, 2006

sinabi na kasing...

hay bakit ba kasi hindi ako matigil-tigil sa pagiging masukista ko? bakit ba gusto kong nahihirapan at nasasaktan? masukista ba o tanga na ang dapat itwag sa akin?

pero hindi, sinusubukan ko lang naman,gusto ko lang may mapatunayan sa sarili ko.. :) tama na yun.. makikinig na ako sa mga payo ng mga kaibigan ko.. dapat maging rasyonal na ako sa mga desisyon, wag masyadong papairalin ang emosyon.

hay, nakakinspire ang mga kaibigan kong naririnig ko na nagsasabi na "it's happy being single".. and i want to discover it...

paano nga bang maging single? since i've been in a relationship for 3 years then 2 years. (aga ko atang kumandi, 15 years old? hehe :D) hindi ko na maalala paano maging single...

a) mas maraming oras akong mailalaan para sa sarili ko, paganda to the max and pamper myself all the time

b) more time and moments with my friends and esp. with my family, wala na akong iintindihin na date and commitment

c) wala na akong proproblemahin na lalaki, hindi na ako magseselos, hindi na ako masasaktan, hindi na ako mammorblema.. :D

d) i'm free. i can do whatever i want, i can go everywhere that i want, etc. etc.

pero...

a) mamiss ko yung mga hugs and kisses. pagsundo at hatid sa akin. paggreet ng "goodmorning :), kasabay ko sa pagkain, pagdate sa intramuros, etc etc..


hay... ganyan talaga ang buhay.... people come and go... everything happens for a reason...love hurts... hahahaha :D

di ko kailangan itong problemahin, madami akong kailangang gawin school works, thesis, and org commitments...

BOOKS BEFORE BOYS ang drama ko ngayon... at higit sa lahat..

ENJOY LIFE... DISCOVER NEW THINGS...LOVE MYSELF...

Monday, November 13, 2006

My Heart Sings... :)

Someday you’re gonna realize
One day you’ll see this though y eyes
By then I won’t even be there
I’ll be happy somewhere
Even if I cared
I know you don’t really see my worth
You think you’re the best guy on earth
Well I’ve got news for you
I know I’m not that strong
But it won’t take long
Won’t take long

Someday someone’s gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone’s gonna take your place
One day I’ll forget about you
Someday someday

Right now I know you can tell
I’m down and I’m not doing well
But one day these tears they will all run dry
I won’t have to cry, sweet goodbye

Wednesday, November 08, 2006

Sa Araw na ito..


Salamat sa araw na ito…

Habang ako ay naliligo (2am, nov11), napagtanto ko na marami akong nakamit ngayong araw na ito. Maraming mga bagay ay aking nadiskubre at muling binigyan pansin at nalaman ang tunay na halaga..

Sa loob ng ilang oras na ako ay gising at nakisalamuha sa mga tao sa aking paligid, unti-unting nawawala at naiibsan ang aking sakit na nararamdaman. Mga sakit na dulot ng sobrang pagbibigay halaga sa iisang bagay lamang, na sa bnadang huli ay magdudulot ng siang sugat na aking hindi inakala.

Ngayong gabi, habang tinype ko ang entry na ito, kahit antok na antok ako, kasi ayokong palagpasin ang tension ng aking puso at isipin, gusto kong ilahad at ibuhos ang aking damdamin.

Sa lahat ng taong nakausap at nakasama ko ngayon, gusto ko kayong hagkan at pasalamatan. Gusto kong lumuha sa tuwa at ligaya na inyong idinudulot sa akin.

Alam ko, nagkulang ako sa inyo.

Inaamin ko rin na nagging matigas ang ulo ko,maraming beses niyo akong pinagsabihan pero tuloy pa rin ako. Hindi ko isinalang-alang ang mga paying ibinigay niyo sa akin. Alam ko yun, alam ko naman na mali ako, pero hindi ko rin naman pinagsisihan ang mga bagay na nagawa at nagging pagkukulang ko. Tinuturing ko siya na isang matinding hamon sa aking buhay, patuloy ko siyang tinahak at sa katapusan, maraming aral at karanasan ang aking tinamasa. Alam ko, pinili ko iyon, pinilit kong gawin ang lahat para maging maayos pero hindi talaga tama.

Naging sadista ako, tinanggap at tiniis ko lahat ng sakit noon. Pero ngayon nagising na ako sa katotohanan, hindi ko kelangan danasin ang ganoon, ako binigay ko ang lahat ng kaya at naging totoo ako. Hindi ko na dapat hayaan na patuloy lamang akong masakatan ng taong hindi nman marunong mag-alaga ng pagmamahal at pagpapahalaga.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko naman siya pinagsisihan at pinaghihinyang kindi ako ay nagpapasalamat sa mga aral na idinulot sa akin ng pagsubok na ito.

Sa mga kaibigan ko, salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, hindi ko ito kakayanin. Pasensiya sa mga pagkukulang ko. Pasensya sa katigasan ng ulo at kalambutan ng puso at kiliti ko. Pasensya sa mga kaingayan at kaguluhan na ginagawa ko sa tuwing ako ay lasing. Pasensya kung napupuyat ko kayo sa tuwing humahagulgol ako, sa pag-istorbo sa text at pagdadrama ko. Pasensya sa iilang pagkakataon na tahimik ako at hindi bumabanat ng korny jokes. Pasensya sa naging Martir ako.

Ang alam ko ngayon, mahal ko kayo at hindi talaga matutumbasan ang ating pagkakaibigan.

isang hakbang

oo tama nga, hindi natatapos ang lahat sa iisang bagay lamang, kung hindi isa itong panibagong simula. bagong buhay, bagong pag-asa, bagong ligaya, bagong aral at bagong mga karanasan.

marahil, sa mga oras na ito, o kung mamarapatin ng tadhana, hindi pa ito ang oras para maibsan ang sakit pero hindi ito magiging hadlang para ako ay hindi matinag sa buhay. malawak ang mundo na ating ginagalawan, masasabi natin na ito ay sadyang kumplikado subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang bawat isa ay mayroong mga kahulugan sa ating mga buhay...

may mga oras nga sigurong kailangan nating malungkot, para makita natin kung ano ang pagiging maligaya. may mga oras na kailangan nating masaktan, para lumawak ang ating kaalaman at mapagibayo ang mga totoong aral sa buhay..may mga panahon na kailangan nating maging makasarili, para makita natin kung gaano kahalaga ang ating mga sarili... may mga sandali na kailangan natin magmuni-muni at damhin ang nasa paligid, para malaman natin kung ano ang tamang mga hakbang at pakikitungo sa mga bagay-bagay...may mga taong magiging parte na lang ng ating nakaraan, para sa kanila tayo kukuha ng mga basehan para harapin ang bukas...

dapat rin natin tandaan ang PAGBABAGO lamang ang permanenteng bagay na nanatili sa mundo. lahat ng bagay nagbabago -- pisikal, emosyonal, espiritual, paniniwala, ah basta lahat nga eh!.. kaya dapat huwag tayo masyado magpatali sa mga ito, ibukas pa rin natin ang ating mga sarili sa mga bagay na ating nakikita at natatamasa sa ating paligid... mahal tayo ng Diyos marami siyang biyayang ipinamahagi sa atin, dapat natin silang pansinin at bigyan ng atensyon at pagpapahalaga.

ISANG HAKBANG pasulong!... Moving on.... Pagpapalaya sa nakaraan... Paggising sa isang bagong umaga... Pagngiti sa mga alala ng kahapon.. Pagharap sa kinabukasan... Paglimot sa mga sakit dulot ng nakaraan..Pagpapatuloy sa agos ng buhay... ISANG NGITI, ISANG HINGANG MALALIM, ISANG HAAAAAYYYYY.... ISANG "SALAMAT!"... ISANG NAKARAAN.... :)

PaniMuLa

bakit nga ba ako gumawa ng bagong blog page?

***marahil gusto ko lang imaximize lahat ng website at wifi ng building

***kasi sawa na ako sa friendster,multiply,at kung saan-saan pa..

***o dahil kaya gusto ko ng isang pahina na magiging tanda ng aking bagong simula

***magsisilbi itong talaarawan ko sa bagong buhay na aking tatahakin

***iiwan ko na ang aking lumang site,hayaan ko na rin siyang maging bahagi ng aking nakaraan

bakit takipsilimngbuhay?
***i love SUNSET... hindi ko alam pero sobrang nahahalina ako sa ganda, gumagaan ang loob ko tuwing pinagmamasdan ko ang palubog ng araw. lalo na kapag ikaw ay nasa dalampasigan, rinig ang alon ng dagat, at ang pagdama sa hangin.


sa mga mambabasa, tuloy kayo sa aking bagong buhay... :) sabayan ang indak ng mga tugtugin. maaliw sa mga larawan, makibahagi sa aking makulay na buhay..