Monday, November 27, 2006

salamat at paalam..


ngayong araw na ito pinilit kong gawing abala ang aking sarili, buong araw kong ginawa ang mga bagay na dapat tapusin at kailangan gawin para maiwasan ang pangangarag. buong araw akong hindi humawak ng cellphone at buong araw akong nagmuni-muni...

mahirap at ngaing masakit sa akin ang naging kwento ng buhay ng puso ko, naiwan akong mag-isang nangangarap at umaasa... hindi ko naman kasi ininda yung mga naging pagtatalo naman, umasa ako na maayos ang lahat... magiging maganda ang takbo ng agos pero hindi. nagulat na lang ako na iba naman ang dahilan, iba ang naging ugat ng aming pagtatapos...

ito ay ang commitment...

siguro nga yan ang isa sa pinakamahirap gawin sa mundong ito, ang magcommit sa isang tao..

hindi ko alam, gulo pa rin ang utak ko, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon na ito.. pero ganun talaga ang buhay, ang pagbabago lamang ang nag-iisang permanente sa mundo...

parte ng buhay ang maging malungkot, alam ko darating ang araw na liligaya ulit ako sa aspeto ng buhay ko na ito... :)

sa ngayon, maligaya ako sa piling ko- sa sarili ko... tintulungan ko ang sarili ko na maging buo ulit. buuin ang puso kong nabasag, at hilumin ang mga sugat nito.. alam ko hindi ito madali, hindi lamang isang buwan ang kailangan, pero kaya ko at dapat harapin ko ito nang buong tapang at buong pagmamahal sa aking sarili.. ako naman muna ang iisipin ko...

sa taong minahal ko na iyon, maraming salamat sa iyo, sa lahat-lahat ng ginawa mo para sa akin. hindi ko na kayang isa-isahin iyon, pero hayaan mo ni isa wala akong nakalimutan dun at lahat ng iyon ay magiging parte ng isang nakaraan, isang libro na natapos na at kailangan ng ilagay sa aparador, hanggang sa alikabukin at malimutan ng aking alaala...maraming salamat sa iyo.. :D alam ko masaya ka na, masaya kang nag-iisa o may mahal ng iba, hindi ko alam pero hayaan mo magiging masaya na rin ako para sa iyo sa mga dadaanan na panahon, hindi ngayon kasi sariwa pa ang sugat.. SALAMAT at PAALAM.. :D

Sunday, November 26, 2006

agos ng buhay


sa ngayon, gusto ko nang simulan ang totoong agos ng buhay.. kasi inaamin ko, mahirap pa rin sa akin tanggapin ang mga bagay na nangyari sa buhay ko. medyo traumatic and napakasakit talaga. kahit na sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko, pero nagugulat na lang ako na pagkamulat ko sa umaga, tumutulo ang mga luho na hindi ko naman inaasahan.. mga gabing bago ako matulog, inaasam ko na sana pagkagising ko iba na ang takbo ng buhay.. pero hindi e, eto na talaga..

alam ko na puno't dulo ng aming naging problema, rerespituhin ko yun at unti-unting tatanggapin at mabubuhay uli sa totoong agos ng buhay.. :D

hindi pa naman tapos ang mundo, at marami pang mga nilikha ng Diyos na tunay na magmamahal at handa akong ipaglaban...

Friday, November 24, 2006

Yabang Pinoy!




TAAS NOO.. IKAW AY PILIPINO...

nabuhay ang nasyonalismo sa aking sistema sa mga minuto na ito..

naalala ko tuloy kwentuhan namin ng aking mga kaklase kanina tungkol sa isang taong aming hinahangaan.. ito ay pawang wala pang patunay pero nakakalungkot isipin kung maissakatuparan niya ang kanyang mga plano sa buhay...

isa siyang tao na nag-aaral ngayon sa isang bansa, nagkamit ng iba't-ibang parangal noong siya ay nasa kolehiyo, gawad sa unibersidad man ito o sa bansa.. nagturo ng ilang tao sa unibersidad, at nagkaroon ng pagkakataon na makapg-aral sa ibang bansa... nakasama namin siya ng ilang buwan dahil kami ay tumulong sa kanyang alagang-komunidad, doon niya kinuwento ang ganda ng buhay at pakikisalamuha sa iba't-ibang tao dito sa sariling bansa. hinangaan namin siya dahil akala namin pagkatapos nang kanyang pag-aaral sa ibang bansa, ay dito siya mananatili at ibabahagi ang kanyang natutunan sa kanyang kapwe=pilipino.. ngunit naiba ang ihip ng hangin. ngayon, siya ay nagbabalak na manatili sa bansang iyon dahil sa mga binigay sa kanya ng banyagang institusyon...

nakakalungkot isipin kasi, isa siya sa aming ginagawang huwaran sa larangan ng aming kurso. akala namin isa siya sa magiging alagad ng akademiya na siyang magiging simula ng mga pag-aaral upang maangat ang buhay ng ating sariling bansa...

pero ganun talaga ang buhay, maaring sinasaalang-alang niya ang kanyang materyal na pangangailang ang pangunahing kailangan ng kanyang pamilya..

Wednesday, November 22, 2006

SapiN-SaPiN

naiinis ako kasi sa tuwing ako ay nag-iisa ang daming mga ideya ang naglalaro sa aking isipan. yung tipong sana sa pinakasigundo na yun, hawak ko na laptop ko...

nakakapagod ang aking mga nakaraang araw, lakad dito, lakad doon. usap dito, usap doon. pirma dito,pirma doon.. pero sa bawat sandali na yun isang malaki at mataimtim na panalangin ang kalakip ng mga kilos namin na iyon. Isang bugkos na pag-asa ang aming inuukol sa bawat minutong kami ay binibigyan ng pagkakataon..

dahil sa araw na ito nakataya ang aming kinabukasan, nakataya ang araw na iaabot namin ang diploma sa aming mga magulang, ang araw na inaasam ng lahat ng magulang pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo, ang araw na lahat ng estudyante ay puro ngiti at pasasalamat dahil natapos nila at nakuha ang kanilang magiging sandata sa susunod na hamon ng buhay. ang araw na halo ang mga emosyon ng tuwa, lungkot at pananabik sa mga susunod na araw.. at sa araw na ito, nawa'y patnubayan lahat ng mga estudyante na lahat ay makasabay sa agos ng buhay.. ang araw na ito ay ang PAGTATAPOS...

naranasan kong maramdaman ang sakit ng hindi mapabilang sa isang PAGTATAPOS. naranasan kong iyakan ang senaryo na makikita ko ang aking mga kamag-aral na habang sila sy abala sa paghahanda para sa natatanging araw na ito, ako wala lang nakatunganga sa isang tabi, at puno ng kainggitan at sakit... :( inakala ko hindi ko makakasama ang mga kamag-aral ko sa gabing iyon at higit sa lahat ang abutan ng diploma ang aking mga magulang...

mabuti at may awa ng diyos, dininig niya ang aming panalagin... alam ko naging isang pagsubok lang iyon, na tanging dasal lang ang aming naging sandalan.. ang dasal ang aming pinaghugutan ng lakas... hay... salamat sa diyos, alam ko sinubukan niya lang ako, at oo, lam ko nakalimutan ko siya sa ilang sandali ng buhay ko, ilang linggo na akong hindi nagsisimba at hindi nagpapasalamat sa kanya... pero patuloy pa rin ang aking panalangin dahil hindi pa tapos ang lahat... marami pang pagsubok, 4 na buwan pa para paglaanan ng panahon ang mga bagay-bagay, ang thesis ay isa doon at ngayon kaming lahat ay hindi magkandaugaga sa mga pag-aaral namin, pero may awa ng diyos.. :)


sa kanilang banda, masaya ako ngayon... mas masaya na ako ngayon... :)
ang aking nakaraan ay isa na lamang nakaraan. tapos na ang lahat at ako ngayon ay patuloy na sinisumulan ang buhay na wala ang kinagisnan kong kasama sa tuwina... hay, ngayon ko pinaptunayan sa sarili ko na kaya ko naman pala ang lahat, kasi inaamin ko natatakot akong mag-isa noong una, natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang problema na aking kakaharapin. hindi pala,kaya ko naman pala.. :) nabuhay nga ako ng 18 taon na wala siya at ngayon eto na simula at patuloy na ang bagong pahina ng aking aklat, ang aklat na mag-isa kong iaakda.


MASAYA ANG BUHAY... damhin, lasapin ang sarap na dulot nito..

Tuesday, November 21, 2006

ANGHEL...



nasaan kaya guardian angel ko sa mga panahong ito, sa mismong minuto na ito?

nasa likod, harap, o katabi ko ba siya, sa kaliwa o sa kanan? antok na ba siya o sinasabyan niya kaadikan ko sa internet? pareho kaya kami ng nararamdaman sa oras na ito? ready kaya siya sa mangyayari sa aken bukas? at eto pa ang malaking katanungan, are you good or bad?

hindi ko alam kung isa ba itong pagsubok, kamalasan o karma... alam ko naman sa sarili ko na weak akong tao, masyadong maemosyonal, at mahina talaga ang tolerance ng aking pagintindi sa mga bagay-bagay. bakit ganito, hindi ko na kaya e..

sana man lang hindi ganitong sunod-sunod, sana medyo may distansya sa mga hinaharap ko, kasi unti na lang bibigay na ako. unti tulak pa tutumba na ako. unti sundot pa, mabubutas na ako. unti sakit pa,magiging manhid na ako..

bakit ganun, unti-unti na akong nagiging malakas mula sa isang "failure" ngayon, iba naman... nagsisimula pa lang akong bumagon sa sakit na dulot ng isang nakaraan, may sugat pa ako. nasasaktan pa rin ako paminsan, pero hindi na ako umaasa - yan ang isang kasiguraduhan sa puso ko ngayon. hindi ko maikumpara ang pagiging isang single sa isang may boyfriend, kasi magkaiba naman sila at magkaiba ng emosyon,pagpapahalaga at paniniwala. pero ang alam ko ngayon, gusto kong mahalin ang sarili ko. gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa puso ko, gusto kong ako ang magbibigay ng panahon para sa sarili ko, ako ang magpapaligaya sa sarili ko, at gusto kong makilala nang mabuti ang sarili ko.. alam ko, at hindi naman ako nanghihinayang sa aking nakaraan, naging masaya ako, parte naman talaga noon ang lahat ng sakit at luha, kasi kung wala yun hindi ako magiging matatag, at hindi ako iyon kakapulutan ng aral sa buhay. ang akin lang, sana una pa lang, umalis na ako. para hindi naging mas masakit, tama nga habang pinapatagal mas nagiging masakit. yan talaga ang buhay, yun na ay ang nakaraan... CLOSED

hay...ngayon sa acads naman, ayoko ng ibroadcast kasi ayoko rin na alalahanin.. :( nakakadown, nakakawalang gana, nakakawalan ng pag-asa, nakakasama ng loob, at nakakahiya sa magulang ko, esp sa nanay ko.hindi ko alam kung ano yung gusto at plano ni GOD para sa akin. sabi nga ng nanay ko, "pray lang".. wala na naman akong magagawa, ayoko naman ng umiyak, kasi papanget lang ako. pero yun ang nagiging paraan para gumaan pakiramdam ko.. nakakapanghina..

kung panaginip toh, gusto ko ng magising...

Sunday, November 19, 2006

simula ng katapusan :)

mahal ko na sarili ko :D

pagod na akong masaktan...
sawa na akong umiyak...
manhid na puso...


gusto kong
mahalin ang sarili ko...
alagaan ang puso ko...
buuin ang pagkatao ko...

Friday, November 17, 2006

this how i do it...


mahirap na masarap ang maging estudyante... :D

Thursday, November 16, 2006

sinabi na kasing...

hay bakit ba kasi hindi ako matigil-tigil sa pagiging masukista ko? bakit ba gusto kong nahihirapan at nasasaktan? masukista ba o tanga na ang dapat itwag sa akin?

pero hindi, sinusubukan ko lang naman,gusto ko lang may mapatunayan sa sarili ko.. :) tama na yun.. makikinig na ako sa mga payo ng mga kaibigan ko.. dapat maging rasyonal na ako sa mga desisyon, wag masyadong papairalin ang emosyon.

hay, nakakinspire ang mga kaibigan kong naririnig ko na nagsasabi na "it's happy being single".. and i want to discover it...

paano nga bang maging single? since i've been in a relationship for 3 years then 2 years. (aga ko atang kumandi, 15 years old? hehe :D) hindi ko na maalala paano maging single...

a) mas maraming oras akong mailalaan para sa sarili ko, paganda to the max and pamper myself all the time

b) more time and moments with my friends and esp. with my family, wala na akong iintindihin na date and commitment

c) wala na akong proproblemahin na lalaki, hindi na ako magseselos, hindi na ako masasaktan, hindi na ako mammorblema.. :D

d) i'm free. i can do whatever i want, i can go everywhere that i want, etc. etc.

pero...

a) mamiss ko yung mga hugs and kisses. pagsundo at hatid sa akin. paggreet ng "goodmorning :), kasabay ko sa pagkain, pagdate sa intramuros, etc etc..


hay... ganyan talaga ang buhay.... people come and go... everything happens for a reason...love hurts... hahahaha :D

di ko kailangan itong problemahin, madami akong kailangang gawin school works, thesis, and org commitments...

BOOKS BEFORE BOYS ang drama ko ngayon... at higit sa lahat..

ENJOY LIFE... DISCOVER NEW THINGS...LOVE MYSELF...

Monday, November 13, 2006

My Heart Sings... :)

Someday you’re gonna realize
One day you’ll see this though y eyes
By then I won’t even be there
I’ll be happy somewhere
Even if I cared
I know you don’t really see my worth
You think you’re the best guy on earth
Well I’ve got news for you
I know I’m not that strong
But it won’t take long
Won’t take long

Someday someone’s gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone’s gonna take your place
One day I’ll forget about you
Someday someday

Right now I know you can tell
I’m down and I’m not doing well
But one day these tears they will all run dry
I won’t have to cry, sweet goodbye

Wednesday, November 08, 2006

Sa Araw na ito..


Salamat sa araw na ito…

Habang ako ay naliligo (2am, nov11), napagtanto ko na marami akong nakamit ngayong araw na ito. Maraming mga bagay ay aking nadiskubre at muling binigyan pansin at nalaman ang tunay na halaga..

Sa loob ng ilang oras na ako ay gising at nakisalamuha sa mga tao sa aking paligid, unti-unting nawawala at naiibsan ang aking sakit na nararamdaman. Mga sakit na dulot ng sobrang pagbibigay halaga sa iisang bagay lamang, na sa bnadang huli ay magdudulot ng siang sugat na aking hindi inakala.

Ngayong gabi, habang tinype ko ang entry na ito, kahit antok na antok ako, kasi ayokong palagpasin ang tension ng aking puso at isipin, gusto kong ilahad at ibuhos ang aking damdamin.

Sa lahat ng taong nakausap at nakasama ko ngayon, gusto ko kayong hagkan at pasalamatan. Gusto kong lumuha sa tuwa at ligaya na inyong idinudulot sa akin.

Alam ko, nagkulang ako sa inyo.

Inaamin ko rin na nagging matigas ang ulo ko,maraming beses niyo akong pinagsabihan pero tuloy pa rin ako. Hindi ko isinalang-alang ang mga paying ibinigay niyo sa akin. Alam ko yun, alam ko naman na mali ako, pero hindi ko rin naman pinagsisihan ang mga bagay na nagawa at nagging pagkukulang ko. Tinuturing ko siya na isang matinding hamon sa aking buhay, patuloy ko siyang tinahak at sa katapusan, maraming aral at karanasan ang aking tinamasa. Alam ko, pinili ko iyon, pinilit kong gawin ang lahat para maging maayos pero hindi talaga tama.

Naging sadista ako, tinanggap at tiniis ko lahat ng sakit noon. Pero ngayon nagising na ako sa katotohanan, hindi ko kelangan danasin ang ganoon, ako binigay ko ang lahat ng kaya at naging totoo ako. Hindi ko na dapat hayaan na patuloy lamang akong masakatan ng taong hindi nman marunong mag-alaga ng pagmamahal at pagpapahalaga.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko naman siya pinagsisihan at pinaghihinyang kindi ako ay nagpapasalamat sa mga aral na idinulot sa akin ng pagsubok na ito.

Sa mga kaibigan ko, salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, hindi ko ito kakayanin. Pasensiya sa mga pagkukulang ko. Pasensya sa katigasan ng ulo at kalambutan ng puso at kiliti ko. Pasensya sa mga kaingayan at kaguluhan na ginagawa ko sa tuwing ako ay lasing. Pasensya kung napupuyat ko kayo sa tuwing humahagulgol ako, sa pag-istorbo sa text at pagdadrama ko. Pasensya sa iilang pagkakataon na tahimik ako at hindi bumabanat ng korny jokes. Pasensya sa naging Martir ako.

Ang alam ko ngayon, mahal ko kayo at hindi talaga matutumbasan ang ating pagkakaibigan.

isang hakbang

oo tama nga, hindi natatapos ang lahat sa iisang bagay lamang, kung hindi isa itong panibagong simula. bagong buhay, bagong pag-asa, bagong ligaya, bagong aral at bagong mga karanasan.

marahil, sa mga oras na ito, o kung mamarapatin ng tadhana, hindi pa ito ang oras para maibsan ang sakit pero hindi ito magiging hadlang para ako ay hindi matinag sa buhay. malawak ang mundo na ating ginagalawan, masasabi natin na ito ay sadyang kumplikado subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang bawat isa ay mayroong mga kahulugan sa ating mga buhay...

may mga oras nga sigurong kailangan nating malungkot, para makita natin kung ano ang pagiging maligaya. may mga oras na kailangan nating masaktan, para lumawak ang ating kaalaman at mapagibayo ang mga totoong aral sa buhay..may mga panahon na kailangan nating maging makasarili, para makita natin kung gaano kahalaga ang ating mga sarili... may mga sandali na kailangan natin magmuni-muni at damhin ang nasa paligid, para malaman natin kung ano ang tamang mga hakbang at pakikitungo sa mga bagay-bagay...may mga taong magiging parte na lang ng ating nakaraan, para sa kanila tayo kukuha ng mga basehan para harapin ang bukas...

dapat rin natin tandaan ang PAGBABAGO lamang ang permanenteng bagay na nanatili sa mundo. lahat ng bagay nagbabago -- pisikal, emosyonal, espiritual, paniniwala, ah basta lahat nga eh!.. kaya dapat huwag tayo masyado magpatali sa mga ito, ibukas pa rin natin ang ating mga sarili sa mga bagay na ating nakikita at natatamasa sa ating paligid... mahal tayo ng Diyos marami siyang biyayang ipinamahagi sa atin, dapat natin silang pansinin at bigyan ng atensyon at pagpapahalaga.

ISANG HAKBANG pasulong!... Moving on.... Pagpapalaya sa nakaraan... Paggising sa isang bagong umaga... Pagngiti sa mga alala ng kahapon.. Pagharap sa kinabukasan... Paglimot sa mga sakit dulot ng nakaraan..Pagpapatuloy sa agos ng buhay... ISANG NGITI, ISANG HINGANG MALALIM, ISANG HAAAAAYYYYY.... ISANG "SALAMAT!"... ISANG NAKARAAN.... :)

PaniMuLa

bakit nga ba ako gumawa ng bagong blog page?

***marahil gusto ko lang imaximize lahat ng website at wifi ng building

***kasi sawa na ako sa friendster,multiply,at kung saan-saan pa..

***o dahil kaya gusto ko ng isang pahina na magiging tanda ng aking bagong simula

***magsisilbi itong talaarawan ko sa bagong buhay na aking tatahakin

***iiwan ko na ang aking lumang site,hayaan ko na rin siyang maging bahagi ng aking nakaraan

bakit takipsilimngbuhay?
***i love SUNSET... hindi ko alam pero sobrang nahahalina ako sa ganda, gumagaan ang loob ko tuwing pinagmamasdan ko ang palubog ng araw. lalo na kapag ikaw ay nasa dalampasigan, rinig ang alon ng dagat, at ang pagdama sa hangin.


sa mga mambabasa, tuloy kayo sa aking bagong buhay... :) sabayan ang indak ng mga tugtugin. maaliw sa mga larawan, makibahagi sa aking makulay na buhay..