Sunday, April 29, 2007

SAKIT. SAKIT. SAKIT.

SAKIT.

Ang sakit. Karamdaman. Sa dinamidami ng panahon na ako ay tatamaan ng sakit, bakit ngayon pa? bakit ngayong linggo pa na ito? Marami akong nasakripsyo. Ang hindi pagdalo sa "farewell" namin ay isang bagay na aking pinanghihinayangan.

Ano nga ba ang kalagayan ko?

_ mula noong Miyerkules, masakit lagi ang tiyan ko. Lagi akong gutom, as in gutom na gutom na kapag naramdaman ko ito sumasakit ang ulo ko. Kpag ako naman ay kakain, isang subo pa lang nasusuka na ako, at ilang sandali hihilab na ang tiyan ko.

WIRDO BA?

Dahil yan sa kapraningan ko, dahil sa japenese diet pill na ininom ko. Within 2days ata na paginom, patay ka na.. ;(

LETRA NG KATOTOHANAN...

Magkabilaan

ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
may puti may itim liwanag at dilim
may pumapaibabaw at may sumasailalim


ang tubig ay sa apoy ang lupa ay sa langit
ang araw ay sa gabi ang lamig naman ay sa init
kapag nawala ang isa ang isa'y di mababatid
ang malakas at ang mahina'y magkapatid


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


ang hirap ng marami ay sagana ng iilan
ang nagpapakain walang laman ang tiyan
ang nagpapanday ng gusali at lansangan
maputik ang daan tungo sa dampang tahanan


may mga haring walang kapangyarihan
mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan
may mga sundalo na sarili ang kalaban
at may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


may kaliwa't may kanan sa ating lipunan
patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban
pumanig ka pumanig ka huwag nang ipagpaliban pa
ang di makapagpasiya ay maiipit sa gitna


bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t magkabilaan ang mundo


magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo


-joeyayala-

Sunday, April 22, 2007

NO ONE CAN TELL...

Walang nakakaalam, hindi ko alam...

HAnggang ngayon blanko pa rin ang mga pangarap ko sa buhay.Ilang araw na rin o sige buwan na rin akong nakatengga sa bahay..

Though there are opportunities for me but i refuse because im afraid that i might fall or lose, im not yet prepared. I don't know what is missing, what is wrong... I dont know where to start, how to start and make a start...

There are times I want that, I want this. But uncertain, unpredictable and undecided...

I am afraid that I will give up, yet I know that this is wrong. I SHOULD FACE THE CHALLENGES. THE RISKS and THE CONSEQUENCES...

REAL LIFE... HERE I AM...

NO MORE VACATION. NO MORE EXCUSES. NO MORE ALTERNATIVES...

ALL I NEED RIGHT NOW IS ENOUGH COURAGE AND CLEAR MINDS...

Saturday, April 14, 2007

P - - I - - L - - A

***
Pagpasok natin sa eskwelahan pinapila tayo sa Flas ceremony, pagpasok ng room, pagpapacheck ng assignment kay TEacher, Pagbili ng pagkain sa Canteen, at kung saan-saan pa..

Sa totoong buhay, PIPILA at PIPILA ka pa rin..


Kanina pauwi ako ng probinsya, halos isang oras na nakapila sa bilang na kulang 100 na pasahero ang kasabay ko na nagpapakabuno ng oras doon para sa bus. Sabi nila, traffic daw opapasok ng MAnila sa maghintay na lamang daw kami.

Dumating ang MARIVELES na bus. Nagulat ako at may sinakay sila na mga grupo ng pasahero na hindi kabilang sa pila at nagkagulo ang mga tao, NAgulo ang pila at naiwan ang mga nasa unahan.

SA SOBRANG INIS KO...
Ako ang naging tagapagsalita ng mga naagrabiyado.

AKO: sa manong guard: "Bakit ganun, kami pa ngayon ang naiwan?"

GUARD: "Kasi kanina pa sila doon, pinaupo namin sila dahil Madalang ang AMrivels na bus"

AKO: "Ah ganun. Paano nangyari na, yung mga nsa likod namin ay mas nauna pa"

GUARD: "baka taga-mariveles din sila"

AKO: "Kuya pababain mo lahat iyan at tanungin mo kung taga-saan sila"

GUARD: "Mahirap yun miss."

AKO: "Sa susunod kasi, ayusin ninyo yung pila. Sa loob ng apat na taom ko ng pagsakay sa genesis, ngayon lang ako nasinigtan nang dahil sayo." "pare-pareho lang kami na gusto makauwi"

Guard: "maghintay na lang po kayo"

AKO: "at paghihintayin mo pa ulit ako?! Tawagin mo ang manager"

Guard 2: "Miss pasensya na kayo, nagkagulo lang talaga"

AKO: "Sa susunod ayusin niyo, trabaho niyo yan e"

***

I know medyo rude pero ang punto ko sa mga panahon na iyon, UNFAIR para sa mga nauna ang pagsingit ng mga huling dumating.

Delikadesa rin para sa mga sumingit. Parang mga ULOL na nagmadali nung nakakita ng bus kaya nga may PILA e...

***


KAYA NGA MAY PILA PARA MAY KAAYUSAN, WALANG GULO AT PATAS ANG LABANAN

***
SIGURO NAMAN MGA NAKAPAG-ARAL YUNG MGA SUMINGIT NA IYON, AT SANA NAREALIZE NILA KUNG GAANO KAHIRAP PUMILA NANG MAS MATAGAL SA INIT NG ARAW...

***

BIGAYAN LANG NAMAN YAN E. AT PAGRESPETO SA IBANG TAO...

Monday, April 09, 2007

SELF TALK

Ang hirap kasing isiwalat ang aking nararamdaman sa ibang tao. Hindi ko alam paano sisimulan at hindi ko alam kung paano ipapahayag ang aking nararamdaman, ang iba't ibang elemento na tumatakbo sa utak ko sa mga sandaling ito.

Puro katanungan. Puro nakabitin ang mga ideya. Puro nakakalat ang aking diwa sa iba'ibang bagay.

***

Bakit ganoon eto ba yung FATE ko?

Iyong masaktan nang walang humpay? May nagsumpa kaya sa akin? O hindi ko lang alam na kinarma pala ako sa mga nagawa ko dati?

Ang alam ko,OO may masama akong ugali. Kung sa isang relasyon o sa aking mga naging karelasyon - isa ang mapapatunayan ko. HINDI AKO NANLOKO.
* pero bakit ganun? parang nakatadhana ata sa buhay ko na MALOKO. Marahil, eto nga ang sinasabi ng matatanda, dalawa lang ang tao sa mundo, Ang mga manloloko at nagpapaloko.. Hindi ko alam pero bakit ganun, lahat ng dumadating sa akin ay walang pagkakaiba - puro kalinlangan at kasinungalingan ang iniiwan sa akin...
* Hindi naman sa ako ay nagamamadali pero bakit sa tuwing uungos ako sa pagkabagsak, mayroon dadating. Pinaasa ako sa kanilang mga salita at palagiang presesnsya pero sa huli pare-pareho rin sila, iiwanan nila ako nang nasa kalagitnaan ng pag-asa..

Ano bang mali sa akin?
* MAhina ako. Mahina ako sa pag-ibig. Mabilis tumibok ang aking puso, at kay hirap naman maibsan ang sakit nito. Madali akong magmahal, hindi naman dapat ipagdamot ito kung nararamdaman mo. Hindi naman mahirap magmahal, at hirap pigilan ang tibok ng puso..
* Matapang ako. Gusto ko nang bago. Gusto ko ng excitement. Gusto ko ng adventure. Kasi di ba dito ka makakakuha ng mga aral sa buhay? Matapang ako na ipaglaban ang aking nararamdaman.
* Madali akong umasa. Hindi mahirap para sa akin na mgatiwala sa isang tao. Dahil ang gusto ko rin magtiwala siya sa akin. Totoo ako sa mga taong nakikilala ko. Mahirap ang magkubli sa hindi mo katauhan. Maraming mga kumplekasyon at hindi maganda para sa siang simula..
* Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hindi sa hayok ako sa lalaki, pero OO. masaya ang maging single wala kang problema, wala kang limitasyon at kung ano pa man. PEro bago ka pumikit sa gabi, mararamdaman mo na may kulang. Walang tao na alam mo na kahit anong oras andiyan siya at may nag-iisip at nag-aalala sa iyo.
* Madali akong magpatawad pero mahirap akong magLet go. Alam ko ito ang pinakamali sa akin. Hindi na ako galit sa tao pero nanatiling nakakulong ang aking sarili sa pangyayari. Isa kasi akong sentimental na tao. Lahat ng bagay may katumbas na alala. MAhirap makalimot, hindi madaling iwaksi ang alala ng mga nakaraan.

***
Marami na akong naranasan. Madami na akong nakilala. May ilan na akong minahal. May ilan na rin ang nagpaluha sa akin.

Ilan pa? At kailan na naman ako luluha at masasaktaN?

OO. NApagod akong umiyak noong una at ngayon eto na naman ako...

Natatakot ako na maging manhid na ako. NAtatakot na akong may dumating sa buhay ko.

pero

Sige lang tuloy ang buhay...

Dapat ko bang isipin na MASARAP MASAKTAN?...

Siguro. Ika nga, It can make me a better and stronger person.

Dapat ba? Kailangan ko ba?

entre tanto.

Inakala ko na sasaya na muli ako sa piling ng isang lalaki kaakibat ang tinatawag na "pag-ibig"...

Matagal rin umagos ang luha sa aking mga mata. Madaming gabi akong iniraos nang puno ng sakit at poot. Maraming araw ang aking naging kapiling ay ang mga bote ng alak na sa aking pananaw makakatulong para makalimot kahit alam kong panandalian lamang. Matagal dumugo ang aking puso sa sakit na dulo ng pag-ibig...

Madami akong ginawa para mapulot ko ang aking sarili para mabuo ulit ito para maging handa ako sa aking bagong haharapin na pagsubok...

NGUNIT... BAKIT? PAANO?

Sa kabila nang lahat ng ito, sinubukan ko ulit magmahal. Binigyan ako ng pagkakataon na makillaa ang isang lalaki na inakala ko "tunay" ang kanyang hangarin. Naniwala ako sa kulay ng kanyang salita. Nadala ako sa kanyang malambot na kamay at init ng kanyang pagyakap...

PERO...

iyon pala ay PANANDALIAN LAMANG...

MEANTIME ika nga...

Hinayaan niya akong mahulog sa kanya ngunit tumakas siya para saluhin ako... Pinahulog ako ng wala man lang senyales na hindi niya ako iingatan...

May mga bagay akong nalaman, na noong una pa lamang ay wari kong ganun nga siya. PEro hindi ko ininda yun, EXCITED ako e.. Namiss ko ang pagiging Girlfriend. Namiss ko na maging sweet. Namiss ko na maging atensyon ng isang lalaki...

Sa isang saglit, sa isang pitik... NAWALA SIYA NA PARANG BULA...

Sa isang mensahe na may laman na... "Thanks rea"... Doon nagtapos ang lahat...

****
ito na naman ako...

***

Nabuo nang panandalian pero wasak na naman at hindi ko alam kung hanggang kailan...

***

May sumpa na ba ako?

Karma ba ito?

Malas ba ako?

Bulag ba ako?

Manhid?

o

Tanga?

***

BATAAN DAY: ARAW NG KAGITINGAN

"ISINUKO NA ANG BATAAN"

http://en.wikipedia.org/wiki/Bataan_Death_March

***
Isa sa araw na mahalaga ito para sa akin. Una, mahal ko talaga pag-aralan ang kasaysayan. Ikalawa, proud Bataeno ako. At higit sa lahat Pilipino ako.

Ito ang isa sa mga araw na dapat natin sariwain. Hindi naman kailangan na magarbong pagdiriwang ang kailangan. Para sa akin, ang higit na mas kailangan sa araw na ito ay mag-alay ng panalagin sa mga Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa Ikalawang Digmaang Daigdig partikular ang mga "unsung heroes". Mag-alay tayo ng panalangin na para pasalamatan ang mga matatapang nating mga sundalong Pilipino na hanggang ngayon ay buhay, ang mga beterano, na sila ang ating nagsisilbing larawan ng paglaya sa laban sa malulupit na Hapones.

Sa tuwing nasasagi sa aking isipan ang BATAAN DAY. Nariyan ang Comfort women or gays na karamihan ay pumanaw na ngunit hanggang sa huling sandali ramdam nila ang kahayupan sa kamay ng mga HApones.

***
Makalipas ang 65th, ang bansang Hapon ay nagbibigay ng mga benepisyo at ilang tulong sa ating bansa dahil sa pinsalang kanilang nagawa noong 1042-1945... OO, aminin natin na ito ay tulong ilan diyan ang pagpapaggawa ng mag mga gusali partikular sa mga paaralan - ang JAICA, at [agbibigay ng tulong sa beterano at sampu ng kanilang pamilya. Ngunit, kahit na ano pa man, hindi ito matutumbasan ng anong materyal na bagay. Ngunit, tanggapin na rin natin, ito ay nakaraan na. Nawa'y sa pagbigay ng mga magagandang relasyon ng Hapon sa atin huwag sanang matabunan ang ating diwa sa ARAW NG KAGITINGAN..

***

HAIL TO OUR UNSUNG HEROES...

***

ARAW NG KAGITINGAN ay ARAW NG BATAAN..

***

EASTER SUNDAY

Sa wika natin, "Pasko ng PAgkabuhay", pasko dahil nagkaroon ulit ng buhay si HEsus. Ang "salubong" at "egg hunting" ang ilang sa karaniwang ginagawa sa pagsapit ng araw na ito, hindi man ito nagmula sa atin at ito ay ipluwensiya ng banyaga naging parte na rin ito ng ating paniniwala..

***
April 8, 2007...

***

Ano-ano ang mga nagkaroon ng buhay?

Sa mga tv addicts, specifically the avid fans of telenovelas,anime and the likes, IYAN binabalik na sa inyo ang mga programang inyong sinusubaybayan.. :)

Sa mga may trabaho, (buti at may april9 holiday) balik na kayo sa work sa tuesday, but it was indeed a long vacation. Hope you had a vacation galore with your loved ones..

Sa mga businessmen, napahinga na rin kayo at simula na ulit kayo sa pagkayod...

At higit sa laaht sa mga pulitiko, SIMULA NA NANG BAGO AT MAS MALUPIT NA MGA RAKET SA PANGANGAMPANYA...
*** OH well, as if hindi kayo natigil. MAlamang hindi kayo magsasayang nang ilang saglit para hindi makakuha ng inyong parokyano..
*** Nakita kayo sa simbahan, at sa pinakaharap pa, para mapansin kayo ng mga tao. Malamang ang iba matutuwa iyong mga taong kasing dalang niyo rin magsimba, kaya kayo nagkita-kita sa mga sanadaling iyon..
*** Sa prusisyon na para kayong artista na nagmomodelo ng toothpaste sa tamis ng inyong mga ngiti sa mga tao.
*** Ang pagbanggit ng inyong buong pamilya sa mass offering na akala mo ay roll call ng inyong angkan - sa pagkamatay, sa kaluluwa, sa biyaya at pagpapasalamat sinakop niyo.

Malapit na ang eleksyon, sana sa ating pagninilay sa nakaraang araw naging malinaw sa atin kung ano ang tunay na diwa ng sangkatauhan. Sa bawat isa sa atin, may responsibilidad na itaguyod ang bawat isa, isa tayong pamilya na nilikha ng Diyos, na sinalba ni Kristo.

Sa ating pagboto, maipapadama natin sa bawat isa ang kahalagahan ng ating buhay. Ang matalino at matapat na pagsulat ng mga pulitikong sa ating pananaw ay magbibigay buhay sa mga aral at bilin ng MAykapal para sa ating lahat..